Kabanata 2- Ang Mag Anak
Nilarawan ang kaharian ng
Berbanya at ang mga tao dito. Si Don Fernando ay isang makatarungang
hari. Si Donya Valeriana ang kanyang asawa at siya ay maganda at mabait. May
tatlo silang anak. Ang panganay nila ay si Don Pedro. Siya ay matipuno. Si Don
Diego, sumunod sa kanya, ay tahimik. Ang bunsong si Don Juan ay romantiko.
Pinapili ng hari ang mga anak kung ang gusto nila ay mag pari o maging hari.
Pinili nila ay maging hari. Kaya nag ensayo sila para mahasa ang kanilang
kakayahang mag espada.
Talasalitaan:
Dukha – mahihirap
Pagpapala – biyaya
Balakin – planuhin
Nililimi – pinag-iisapan
Uliran – modelo
Kabanata 3 – Ang Panaginip
Mapayapa ang lahat hangang isang gabi nanaginip ang
hari tungkol kay Don Juan na pinatay daw siya ng dalawang trydor. Nag kasakit
ang hari dahil dito at walang makagamot sa kanya. May dumating na manggagamot
at sinabing ang kanta lang ng Ibong adarna ang makakagamot sa kanya. Mahahanap
daw ito sa bundok Tabor sa puno ng Piedras Platas. Hating gabi daw ito kung
dumating. Kaya inutusan ng hari si Don Pedro na kunin ang Ibong Adarna.
Talasalitaan
Talinghaga – palaisipan
Lumbay – lungkot
Nababakas – naaninag
Dalamhati – kalungkutan
Makinang – maningning
Kabanata 4 – Unang
Paglalakbay
Naglakbay
si Don Pedro nang tatlong buwan sa kabayo niya para hanapin ang Adarna. Namatay
ang kabayong ito pagdating sa tuktok ng bundok kaya naglakad na lamang siya.
Nakakita siya ng mahiwagang puno at nagpahinga muna doon. Hinintay niya ang
Adarna hanggang sa siya ay makatulog. Dumating ang Adarna at nagsimula nang
kumanta. Nang magpalit ito ng balahibo, siya ay dumumi at napatakan si Don
Pedro. Ang prinsepe ay naging bato.
Talasalitaan:
Pata – pagod
Mapawi – mawala
Himpapawid – langit
Nangungulila – nalulungkot
Panatag – kalmado
Kabanata 5 –Ikalawang Paglalakbay
Nang hindi nagbalik si Don Pedro, inutusan na
ng hari si Don Diego na hanapin ang kapatid at ang Ibong Adarna. Naglakbay siya
ng limang buwan at tulad ni Don Pedro, napagod at namatay ang kabayo niya.
Pinagpatuloy niya ang paglalakad hangang sa marating niya ang Bundok ng Tabor.
Nakita niya ang punong Piedras Platas at sa ilalim nito ay may nakita siyang
bato. Nagpahinga siya doon at naghintay sa Adarna. Nang dumapo na ang gabi,
dumating na ang pinakahihintay niya. Naisip niya na pwede na niya itong hulihin
pero nang magsimula na itong kumanta, biglang inantok si Don Diego. Nang
matapos ang kanta, napatakan din siya ng dumi at naging bato.
Talasalitaan:
Napuna – napansin
Nalilingid – nasasabi
Nangalisag – tumayo
Malubha – malala
Kabanata 6 – Ang Paglalakbay ni Don Juan sa
Kabundukan
Tatlong taong hindi bumalik ang dalawang
prinsipe kaya naisipan ni Don Juan na mag paalam sa kanyang ama para siya naman
ang maghahanap. Ayaw pumayag ng hari na paalisin siya dahil nag-aalala ito sa
kaligtasan ng anak. Sinabi ni Don Juan na mahalaga sa kanya ang kanyang ama at
mga kapatid kaya kailangan niyang hanapin ang mga ito at maging ang Adarna.
Kung hindi siya papayagan ay mapipilitan siyang umalis ng palihim kaya pumayag
na lang ang hari at binigyan siya ng bendisyon. Umalis si Don Juan at hundi
gumamit ng kabayo. Nag baon lang siya ng limang tinapay na kakainin niya bawat
buwan. Nang ikaapat na buwan ay may nakita siyang matandang leproso at binigay
niya ang huli niyang tinapay. Lubos na nalugod ang matanda kaya Sinabi niya
kung paano niya mahahanap ang Piedras Platas at ang ermitanyong makatulong sa
kanya upang mahuli ang Ibong Adarna.
Talasalitaan:
Pinagpipitagan – minamahal
Namanglaw – nalungkot
Matatamo – makukuha
Tinataglay – dinadala
Nagpahayag – nagsabi
Panlunas - gamot
Pagtanggi – pag-ayaw
Kabanata 7 – Ang Ermitanyo
Si Don Juan ay mabilis na umalis patungong
Piedras Platas. Pinuntahan niya ang ermitanyong sinasabi ng matandang leproso.
Sinabi ni Don Juan na kailangan niya ng tulong ng ermitanyo sa paghuli ng
Adarna at mahanap ang kanyang mga kapatid. Tinulungan naman ng ermitanyo si Don
Juan. Sinabi ng ermitanyo ang mga ginagawa ng Ibong Adarna. Kakanta ito ng
pitong beses at magpapalit ng kulay sa balahibo ng pitong beses din. Sinabi rin
niya na ang mga kanta ay nakakaantok kaya kailangan niyang hiwain ang kanyang
kamay gamit ang labaha at patakan ng dayap upang di-antukin. Sinabi din ng
Ermitanyo na iwasan ang pagdudumi nito.
Talasalitaan:
Natanaw – nakita
Kapagdaka – kaagad
Kasawian – kamatayan
Mawari – malaman
Dalita – kahirapan
Maitutumbas - maitutulad
Hangad – gusto
Inilaan – itinabi
Kabanata 8 – Sa Bundok ng Tabor
Si Don Juan ay pumunta na
sa Piedras Platas upang abangan ang Ibong Adarna. Noong nakita na niya ang
ibon, siya’y nagandahan at nang magsimula nang kumanta ito, siya’y inantok.
Ginawa na niya ang bilin ng ermitanyo sa kanya, tinusok niya ang kanyang kamay gamit
ang labahang dala at nilagyan niya ito ng dayap para hindi siya makatulog sa
sobrang hapdi.
Pagkatapos ng mga kanta
iniwasan naman ni Don Juan ang pagdudumi nito. Noong nakatulog na ang Ibong
Adarna, iginapos niya ang mga paa nito gamit ang gintong lubid na dala.
Inilagay niya ito sa hawla at dinala sa ermitanyo. Ipinakuha naman ng ermitanyo
ang isang baldeng tubig para ibuhos sa mga bato upang maging tao ulit ang
kanyang mga kapatid na sina Don Pedro at Don Diego. Lahat sila’y nagkasiyahan
at bumalik sa ermitanyo upang kunin ang Ibong Adarna. Sila’y masayang kumain at
maligayang naglakad pabalik sa Kaharian ng Berbanya.
Talasalitaan:
Nagtungo – pumunta
Natanawan – nakita
Naulinigan – narinig
Marikit – maganda
Kirot – sakit
Inilagan – umiwas
Nagmatyag – nagbantay
Kabanata 9 – Nagbalik ang
Tatlong Prinsipe
Habang
pauwi ang magkakapatid, inisip ni Don Pedro na kung babalik silang tatlo sa
kaharian, si Don Juan ang makakakuha ng malaking pasasalamat at malaking
selebrasyon. Nagpahuli siya upang makausap si Don Diego habang nauna si Don
Juan. Sinabi ni Don Pedro ang kanyang plano na bugbugin at iwanan si Don Juan
upang silang dalawa ni Don Diego ang makakatangap ng malaking pasalamat. Sa
una, nasindak si Don Diego ngunit ginawa pa rin nila ang suhestiyon ng kapatid.
Binubog nila si Don Juan, na hindi man lang lumalaban, at iniwan siya ng
makitang halos di na siya humihinga. Tumakas ang dalawa kasama ang Ibong Adarna.
Talasalitaan:
Umagapay – sumabay
Nasindak – nagulat
Tumutol – di sang-ayon
Hambing – kumpara
Nalihis – naligaw
Kabanata 10 – Ayaw Umawit ng Adarna
Pagdating sa Berbanya, natuwa ang hari sa
kanilang pagbabalik at agad ding nalungkot nang makitang hindi nila kasama si
Don Juan. Tinanong ng hari kung nasaan si Don Juan pero ang sinagot nila ay
hindi nila alam. Umaasa na lang ang hari na babalik pa si Don Juan. Ang Adarna
rin ay pumangit at ayaw na kumanta. Nagduda ang hari kung iyon ba ang totoong
Adarna.
Talasalitaan:
Nag-usisa – nagtanong
Pag-idlip – Pag-tulog
Giginhawa – pepresko
Nagunita – naalala
Sanhi – dahilan
Kaanata 11 – Naghihinagpis si Don Juan
Si Don Juan ay lubhang nasaktan kaya akala
niya mamamatay na siya. Nagdasal na lamang siya sa diyos na gumaling ang
kanyang ama at huwag parusahan sina Don Pedro at Don Diego. Ang mga dasal ni
Don juan ay narinig at may isang matanda na lumapit at pinagaling si Don Juan.
Talasalitaan:
Dumadamay - tumutulong
Tangkilikin - suportahan
Kahabagan – kaawaan
Tutuusin – aanalisahin
Magawi – mapadaan
Kabanata 12 – Tumulong ang Ermitanyo
Narinig ang dasal ni Don
Juan at isang matanda ang lumapit sa kanya. Ginamot ng matanda ang mga sugat ni
Don Juan at nang magising siya, nagpasalamat na siya sa matanda at bumalik na
sa paglalakbay papuntang Berbanya.
Talasalitaan:
Hinagod – hinimas
Nakatindig – nakatayo
Dumaramay – nagmamahal
Lumalawig – tumatagal
Nananangis – umiiyak
Kabanata 13 – Kwento ng Adarna
Bumalik na si Don Juan sa
Berbanya.
Masaya ang mga tao sa
pagbabalik niya ngunit hindi naging masaya ang kanyang mga kapatid. Nasorpresa
sila sa pagsulpot ni Juan at akala nila ay napatay na nila ito. Pagkakita ng
Ibong Adarna kay Don Juan, bumalik sa dating rikit ang kanyang mga balahibo at
kumanta ito habang isinalaysay ang pagtataksil ni Don Pedro at Don Diego kay
Don Juan.
Talasalitaan:
Kapanglawan – kalungkutan
Hinalinhan – pinalitan
Nabunyag – nalabas
Sinalok – kinuha
Maglilo – magtaksil
Kabanata 14 – Nagalit at
Nagpatawad ang Hari
Nagalit ang hari nang
matapos ang kanta ng Adarna at bibigyan sana ng parusa pero si Don Juan ay
tumutol. Hayaan na lang daw sila at napatawad na niya ito. Pinabigyan ng hari
ang dalawa ngunit nagbigay ito ng babala na kapag inulit nila ito, kamatayan ang
kanilang parusa.
Talasalitaan:
Poot – galit
Nahabag – naawa
Giliw – mahal
Nanibugho – nagselos
Kabanata 15 – Binantayan ang Adarna
Inatasan ng hari ang tatlong prinsipe na bantayin
ang Adarna. Isang gabi, pagkatapos bantayan ni Don Pedro ang Ibong
Adarna, ginising na niya si Don Juan kahit hindi pa niya oras magbantay. Habang
nagbabantay si Don Juan, nakatulog siya at dumating na naman ang dalawang
taksil na sina Don Pedro at Don Diego. Pinakawalan nilang dalawa ang ibon at
nang magising si Don Juan, takot kaagad ang kanyang nadama.
Talasalitaan:
Pagtatanod – pagbabantay
Ganid – sakim
Halinhan – palitan
Nadama – naramdaman
Kabanata 16 – Umalis si Don Juan
Pagkagising ni Don Juan ay nawala na ang
Adarna. Labis siyang nabahala at sinisisi niya ang kanyang sarili. Umalis siya
ng Berbanya upang hanapin ang ibon. Kinaumagahan, hindi na nakita ni Don
Fernando ang Adarna. Nagalit siya at tinanong kung sino ang huling nagtanod.
Sinabi ng dalawang taksil na si Don Juan ang huling nagbantay at kaagad-agad siyang
pinahanap sa dalawa ang Adarna at si Juan. Umalis sila at hinanap si Don Juan
hanggang sa makita nila ito sa Bundok ng Armenya.
Talasalitaan:
Minimithi – hinahangad
Mamasid – obserbahan
Lihim – sikreto
Magbulaan – magsinungaling
Kabanata 17 – Sa Bundok ng Armenya
Nakita ng magkapatid si Don Juan sa
kabundukang Armenya. Sila’y nagkaayos na at hinikayat ng mga kapatid si Don
Juan na doon na lamang tumira sa Bundok ng Armenya at huwag ng bumalik sa
Berbanya. Sa paglipas ng panahon ang magkakapatid ay naglilibang. Namimingwit
sa mga batis at nanghuhuli ng ibon at usa sa paligid. Isang araw, may nakita
silang bundok at nagpasya silang pumasok dito.
Talasalitaan:
Kaaya-aya – maganda
Maliw – hinto
Malalanghap – maaamoy
Hinahon – kontrol
Kinatigan – sinang-ayunan
Kabanata 18 – Misteryosong Balon
Isang araw, sa sobrang inip ng magkakapatid ay
lumakbay sila. Habang naglalakad ay may nakita silang isang balon. Ang balon na
ito ay kakaiba. Walang tubig sa loob at napakalalim nito. Agad nanagtaka si Don
Juan at alam niya na may mahika ito. Yinaya niya ang mga kapatid niyang
bumababa. Nagboluntaryo si Don Juan na unang bumaba ngunit nanguna si Don Pedro
dahil siya ang panganay. Sinubukan ng dalawang nakakatandang kapatid ni Don
Juan na bumaba ngunit si Don Juan lang ang tumagumpay. Pagdating niya sa baba
ay may nakita siyang palasyong gawa sa ginto’t plaka.
Talasalitaan:
Pagmamasid – panonood
Matatalos – malalaman
Humadlang – kumontra
Matarok – maintindihan
Naninimdim – nalulungkot
Kabanata 19 – Prinsesa Juana
Nang lumapit siya sa palasyo, may nakita
siyang babae. Ang pangalan ay Donya Juana. Nahulog kaagad ang kalooban ni Don
Juan kay Donya Juana at pinupuri siya sa kagandahan niya. Natatakot si Donya
Juana kaya pinahintulutan siya na wag siyang iwan. Nang dumating ang higante,
hinamon ito ni Don Juan sa isang laban. Nagwagi si Don Juan at papaalis na
sila. Subalit biglang natandaan ni Donya Juana ang kanyang kapatid na si Donya
Leonora kaya pinuntahan ito ni Don Juan.
Talasalitaan:
Yungib – kweba
Bughaw – asul
Nagagalak – natutuwa
Aba – mahirap
Inilapag – ibinaba
Kabanata 20 – Prinsesa Leonora
· Nakita ni Don Juan sa
palasyo si Donya Leonora.
· Nagtitigan muna sila
hanggang sa magtanong si Leonora kung ano ang ginagawa niya roon.
· Humingi ng paumanhin si
Don JuanNagkagustuhan ang dalawa habang nag-uusap
· Dumating ang serpyenteng
nagbabantay kay Donya Leonora at naglaban sila ni Don Juan
Talasalitaan:
Makihamok – lumaban
Namitig – nangawit
Maglingkod – magsilbi
Pinid – sarado
Kabanata 21 – Labanan ni Don Juan at ng Ahas
Dumating ang serpyenteng may pitong ulo na
nagbabantay kay Donya Leonora. Muli, naglaban si Don Juan at ang serpyente. Sa
bawat pagputol sa ulo ng Serpyente, tumutubo ulit ito. Inabot ni Donya Leonora
ang basalmo na ilalagay sa ulo ng serpyente sa bawat pagputol. Hindi na rin
tumubo ang ulo ng ahas at nakatakas na sila Don Juan at si Donya Leonora.
Talasalitaan:
Talasalitaan:
Kapansanan – depekto
Masindak – matakot
Maigupo – matalo
Mataimtim – matapat
Sagupaan – labanan
Kabanata 22 – Pagtataksil ni Don Pedro
Pagka-ahon sa balon ni Don Juan at Prinsesa
Leonora, sila ay nagkukwentuhan. Dahil
dito, naingit si Don Pedro sa kanilang pagmahalan. Nagustuhan
din niya si Donya Leonora, samantalang ayaw ni Leonora si Don Pedro. Sinabi
ni Donya Leonora na naiwan niya ang kanyang singsing sa ilalim ng balon at
nagboluntaryo si Don Juan na siya ang bababa ng balon at kuhanin ang singsing. Tumanggi
si Donya Leonora at nagpasyang iwan na lang ang singsing pero sabi ni Don Juan
na bababa na siya. Habang
bumababa si Don Juan, pinutol ni Don Pedro ang tali at iniwan nila si Don Juan. Inilabas
ni Donya Leonora ang kanyang lobo at ito ang tumulong kay Don Juan.
Talasalitaan:
Pangimbulo – pagka-inggit
Ipahayag – ipaalam
Nagulumihan – nalito
Mapapala – makukuha
Panunuyo – pagpapakitang giliw
Kabanata 23 – Panaginip ng Hari Ukol kay Don
Juan
Napanaginipan ng hari ang nangyari kay Don
Juan at nangangamba siyang baka totoo ito at napahamak ang kanyang bunso.
Talasalitaan:
Nabatid – nalaman
Pag-idlip – pagtulog
Uliran – modelo
Litisin – suriin
Nauuntol – nahihinto
Kabanata 24 – Kasal ni Prinsesa Juana
Bumalik na sa Berbania sina Don Pedro, Don
Diego, Prinsesa Juana at Prinsesa Leonora.
Naniwala ang hari sa kuwento ng dalawang magkapatid na patay na si Don Juan at silang dalawa ang nagligtas sa dalawang prinsesa. Ikinasal kaagad si Prinsesa Juana at Don Diego samantalang si Prinsesa Leonora ay humingi ng palugit na pitong taon dahil sa kaniyang panata. Humingi siya ng sariling silid upang doon niya tuparin ang panatang iyon.

Nawalay – nalayo
Inaasam – pinapangarap
Lumbay – lungkot
Natanaw – nakita
Kagalakan – saya
Kabanata 25 – Ang Lobo
Nakita ng lobo na isang engkantado ang
sugatang si Don Juan. Ginamot niya ang prinsipe sa pamamagitan ng tubig na
nanggaling sa Dagat Jordan. Pagkatapos gumaling si Don Juan, kinuha niya ang singsing
na diamante ni Prinsesa Leonora at lumakad siya pabalik sa Kaharian ng Berbanya.
Talasalitaan:
Malubha – delikadp
Nakatindig – nakatayo
Kalinga – tulong
Kurap – pikit
Nagunita – naalala
Kabanata 26 –Pagkikita ni Don Juan at Ibong
Adarna
Lumakad na si Don Juan pabalik sa Kaharian ng
Berbanya. Sa kapaguran, nagpahinga siya sa ilalim ng
puno. Dumating ang Ibong Adarna at kumanta na nagsasaad ng pag-iisip ni
Prinsesa Leonora sa kaniya subalit meron pang isang babaeng mas maganda kay
Prinsesa Leonora. Siya ay si Donya Maria Blanca, anak ng Haring Salermo ng
kaharian ng De los Crystal. Pumunta na si Don Juan papuntang Reyno de los
Crystal.
Talasalitaan:
Landas – daan
Aliw – ligaya
Pinapakay –nilalayon
Mangamba – mag-alala
Kabanata 27 – Paghihinagpis ni Prinsesa Leonora
Napakalungkot ni Donya Leonora. Nanalangin
siya na nailigtas ng lobo si Don Juan. Habang malungkot si Donya Leonora, si
Don Juan naman ay di mahanap ang daan patungong Reyno De Los Cristales.
Talasalitaan
Tumatangis – umiiyak
Nasasambit – nasasabi
Maliw – katapusan
Nabalisa – nag-alala
Kabanata 28 – Paglalakbay ni Don Juan
Habang malungkot si Donya Leonora, si Don Juan
naman ay di mahanap ang daan patungong Reyno De Los Cristales. Habang
naglalakad, nakatagpo siya ng isang Ermitanyo. Humingi siya ng pagkain dito at
binigyan siya ng isang maitim na tinapay at tubig. Nagpasalamat si Don Juan at
tinanong niya kung saan ang daan patungong De Los Cristales. Sabi ng ermitanyo,
pumunta siya sa ikapitong bundok. Doon ay may matatagpuan siyang isa ding
ermitanyo. Ibibigay ni Don Juan ang pirasong tela na ibibigay ng habilin ng
ermitanyo sa kanya. Kung tatanungin si Don Juan kung kanino galing, sasabihin
daw ni Don Juan na galing sa matandang sugatin.
Talasalitaan:
Masigasig – matiyaga
Tumungga – uminom
Sinaid – inubos
Nangingimi – nahihiya
Nalalabi – natitira
Kabanata 29 – Ang Himutok ni Don Pedro
Sa kabanatang ito ay
nag-aaway sina Donya Leonora at Don Pedro. Mahal pa rin ni Donya Leonara
si Don Juan kaya’t tuwing binibisita ni Don Pedro si
Donya Leonora , sila ay
nag-aalitan. Pinipilit naman ni Don Pedro na mahalin siya ni Donya
Leonara ngunit ayaw talaga nito. Sa huli, umalis si Don Pedro na may sakit sa
dibdib dahil sa pagkabigo.
Talasalitaan:
Pawiin – alisin
Nababatid – nalalaman
Nagmaliw 0 nawala
Hinay-hinay – unti-unti
Kabanata 30 – Paglalakbay
ni Don Juan sa Kabundukan
Matapos
ang limang buwan ay nakarating si Don Juan sa ikapitong bundok kung saan nakita
niya ang ermitanyo na mahaba na ang buhok sa katandaan.
Ayaw kausapin ng ermitanyo si Don Juan kung hindi niya ipinakita ang piraso ng damit na ibinigay ng matanda. Umiyak ang ermitanyo nang makita ang damit at sinabi ninyang Iyon ay damit ni Hesukristo. Humingi siya ng kapatawaran sa kaniyang mga sala.
Sinabi ng ermitanyo na limandaang taon na siya at wala pa siyang nalalamang ganoon kaharian. Sinangguni rin niya ang mga hayup kung may nalalaman sila pero wala ring masabi ang mga dumating sa kaniyang panawagan.
Sa huli ay pinayuhan niyang sumangguni sa kapatid niyang ermitanyo rin na nasa ikapitong bundok. Pinasakay niya ito sa likod ng isa niyang alaga na siyang naglipad sa kaniya sa kaniyang pupuntahan.

Katulad
ng naunang ermitanyo, ayaw ding makiusap ang walongdaang taon na ermitanyo kung
hindi ipinakita ni Don Juan ang piraso ng damit ni Jesus.
Tinanong din ng ikalawang ermitanyo ang mga hayup kung alam nila ang de los Cristal na kaharian. Isang agila ang nakapagsabi kung nasaan yon.
Pinasakay siya sa likod ng agila at naglakbay sila nang isang buwan.
Bago iniwan ng agila si Don Juan sa de los Cristal, pinagbilinan nito ang anyo ng tatlong prinsesa na naliligo sabay-sabay pero may kanya-kanya silang paliguan.

Nananahanan
– naninirahan
Nakababatid
– nakakaalam
Pananalig
– paniniwala
Pagsisiyasat
– pag-iimbestiga
Suwayin
– labagin
Kabanata
31 – Si Don Juan Patungo sa Crystales
Pinasakay
siya sa likod ng agila at naglakbay sila nang isang buwan.
Bago iniwan ng agila si Don Juan sa de los Cristal, pinagbilinan nito ang anyo ng tatlong prinsesa na naliligo sabay-sabay pero may kanya-kanya silang paliguan.
Bago iniwan ng agila si Don Juan sa de los Cristal, pinagbilinan nito ang anyo ng tatlong prinsesa na naliligo sabay-sabay pero may kanya-kanya silang paliguan.
Talasalitaan:
Nagagalak
– natutuwa
Nagbilin
– nagsabi
Sasapitin
– mararating
Kabanata
32 – Donya Maria ng Reyno
Tulad
nang sinabi ng agila, dumating ang tatlong prinsesa sa anyong kalapati pagsapit
ng ikaapat ng madaling-araw. Hinintay ni Don Juan sa paliguan ni Prinsesa Maria
Blanca. Nang naliligo na ang prinsesa ay itinago ni Don Juan ang damit nito at
hindi inlilabas hanggang makalipas ang isang oras at nagpupuyos sa galit and
dalaga.
Nagpakumbaba ang prinsipe sa paghingi ng tawad sa prinsesa na naawa naman sa binata at kanya nang pinatawad matapos itong magpakilala na siya ay mula sa kaharian ng Berbanya.
Nagpahayag si Don Juan ng pag-ibig kay Prinsesa Maria Blanca. Ipinaliwanag ng prinsesa ang haharapin niyang pagsubok mula sa ama niyang Haring Salermo na gigising pagdating ng ikalima ng umaga.
Ipinakita niya na ang mga bato na nakapaligid sa kanila. Sila raw ay mga prinsipe, konde at mga kabalyero na tinalo ng kaniyang ama at ginawang bato ang katawan. Dahil sa gusto na rin ng prinsesa si Don Juan, tinuruan niya ito kung anong gagawin pag nakita ang kaniyang ama. Una huwag niyang tatanggapin ang imbitasyon sa palasyo.
Sundin niya lahat ang iuutos sa kanya at ang prinsesa ang gagawa ng paraan upang iyon ay matupad.
Sabay-sabay na umalis ang mga prinsesa na nag-anyo ulit na kalapati.

Pangungubli
– pagtatago
Napagmalas
– nakita
Lapastangan
– bastos
Kabanata
33 – Mga Kahilingan ng Haring Salermo
Nagising
ang hari at itinanong kay Don Juan kung ano ang pakay niya sa De los Cristal.
Kagaya nang sinabi ni Prinsesa Maria Blanca, sinabi niya na gusto niyang
mag-asawa sa isa sa mga prinsesa.
Nang inimbita siya sa palasyo ay tumanggi siya pero tinanggap niya lahat ang pagsubok na ibinigay ng Hari.
Unang pagsubok ay ang pagpantay ng bundok kung saan itatanim ang trigo na pinakuha niya sa kanyang mga utusan. Itatanim ni Don Juan ang trigo, patutubuin, gagapasin, gagawing arina para malutong tinapay na siyang kakainin sa almusal ng hari. Sa pamamagitan ng puting mahika ni Prinsesa Maria Blanca, nagawa ni Don Juan ang utos ni Haring Salermo. Kinabukasan namangha siya nang makita niya ang tinapay mula sa trigo.

Hanggan – katapusan
Nasapit – narating
Ilangkap – isama
Nililimi – pinag-iisipan
Kasangguni – tagapayo
Kabanata 34 – Ikalawang Kahilingan
Pinakawalan ni Haring Salermo ang alaga niyang
mga Negrito mula sa kinakulungang nitong malaking bote sa malawak na karagatan.
Utos kay Don Juan ay ibalik ang labindalawang Negrito sa bote kinabukasan paggising niya.
Muli ay tinulungan ni Princesa Maria Blanca ang prinsipe kaya kinabukasan ay namangha ang hari sa pagkakatupad ng kaniyang utos.

Pagtupad – pagsunod
Maigi – mabuti
Nag-agahan – mag-almusal
Nagturing – nagsabi
Bitbitin – buhatin
Kabanata 35 – Ikatlong Kahilingan
Isang bundok ang hiniling ni Haring Salermo na
pagalawin para makita niya kinabukasan sa harapan ng kaniyang bintana.
Ginawa ni Prinsesa Maria Blanca ang utos ng hari para kay Don Juan. Napg-isip-isip ang hari at ang kaniyang konseho na mas may alam ang lalaking ito kaysa sa mga naunang naghangad na mapakasal sa prinsesa.

Masusubok – masusuri
Napapawi – nawawala
Durungawan – bintana
Mawari – maintindihan
Napanatag – natuwa
Kabanata 36 – Ikaapat na Kahilingan
Inutos niya kay Don Juan na ang bundok na
inilapit niya sa bintana ay dalhin sa karagatan at gawing kastilyo. Ibinigay
niya ang mga gusto niyang makita sa kastilyo.
Inutos din niya ang paggawa ng daan mula sa palasyo hanging doon sa kastilyo.
Ginawa ulit ni Prinsesa Maria Blanca ang imposible utos ng hari kay Don Juan.
Inutos din niya ang paggawa ng daan mula sa palasyo hanging doon sa kastilyo.
Ginawa ulit ni Prinsesa Maria Blanca ang imposible utos ng hari kay Don Juan.
Talasalitaan:
Napatangi – naiba
Pananggol – panlaban
Panig – grupo
Lugod – tuwa
Tinutuluyan – tinitirhan
Kabanata 37 – Mga Huling Kahilingan
Habang kasama si Don Juan sa kastilyo, inisip
ng hari kung saan kumukuha ng kapangyarihan ang prinsipe.
Sa pag-iinspeksiyon ng kastilyo, nahulog ang singsing ng hari sa karagatan.
Ang ikalima niyang utos ay pag-alis sa kastilyo sa karagatan at pagbalik sa bundok sa dati nitong kinalalagyan.
Kinailangan ang tulong ni Don Juan para ito maisakatuparan ni Prinsesa Maria Blanca.
Sumakay sila sa isang batya at inutusan niya ang prinsipe na tadtarin ang katawan niya. Sumunod naman ang prinsipe. Nang matadtad ay naging maliliit na isda ang prinsesa.
Sa unang ahon ng daliri Prinsesa Maria na hawak ang singsing, walang kumuha sa singsing kasi nahimbing si Don Juan. Sa ikatlong pagbalik niya at tulog pa rin ang binata, bumalik siya sa katawan niyang tao at muling inutusan si Don Juan na siya ay tadtarin at abangan ang kaniyang paglutang ng kaniyang daliri na may hawak ng singsing.
Dahil sa pagkakamali sa pagtadtad, tumilamsik ang isang dulo ng daliri ng prinsesa. Ito ang sinabi niyang maaring palatandaan niya sa darating na araw.
Naibalik ni Prinsesa Maria Blanca ang singsing sa ilalim ng unan ng hari bago ito nagising.

Humimbing – natulog
Naino – napansin
Patang-pata – pagod na pagod
Kabanata 38 – Ang Pagpili sa Kabayo
Hindi talaga sumuko ang hari sa pagsubok sa
prinsipe. Ang sumonod na utos ay ang pagpapaamo sa isang kabayo. Nalaman
ni Don Juan na ang kabayong yaon ay mismo ang hari at ang dalawang nagpapatakbo
ay ang dalawa niyang kapatid samantalang siya ang makakapagpahinto sa kabayo.
Sinabihan niya na huwag huminto ng pananakit sa kabayo hanggang hindi ito lumuha at mapagod. Sa huli ay tinanggap na rin ni Haring Salermo na mas may kapangyarihan si Don Juan.
Sinabihan niya na huwag huminto ng pananakit sa kabayo hanggang hindi ito lumuha at mapagod. Sa huli ay tinanggap na rin ni Haring Salermo na mas may kapangyarihan si Don Juan.
Talasalitaan:
Bumulaga – gumulat
Mangasiwa – mamahala
Sandata – panlaban
Mapuna – maobserbahan
Asam – gusto
Kabanata 39 – Pagpili sa Mapapangasawa
Walang nagawa ang Hari kung hindi payagang
pumili nang mapapangasawa si Don Juan sa kaniyang tatlong prinsesa.
Hindi inilantad ang mga mukha ng tatlong prinsesa pero napili ni Don Juan si Prinsesa Maria Blanca dahil sa kulang ito ng isang daliri.
Hindi inilantad ang mga mukha ng tatlong prinsesa pero napili ni Don Juan si Prinsesa Maria Blanca dahil sa kulang ito ng isang daliri.
Talasalitaan:
Haka-haka – sabi-sabi
Hinawa – sanay
Namamangha – natutuwa
Natitiyak – nasisiguro
Nagmumuni – nag-iisip
Kabanata 40 – Ang Lihim na Pakana ng Hari
Nagpasya ang hari na ipadala sa kapatid niya
sa Englatera ang dalawa upang siya ang magdesisyon kung ipapakasal ang dalawa o
hindi. Pag hindi nagustuhan si Don Juan ay papatayin siya ng kapatid ng Hari.
Nalaman ito ni Prinsesa Maria Blanca kaya nag-isip itong tumakas.
Talasalitaan:
Mawari – maintindihan
Mahikayat – maengganyo
Tangkilikin – suportahan
Lumagda – pumirma
Magmatyag – mag-obserba
Kabanata 41 – Ang Pagtakas
Inutusan ni Maria Blanca si Don Juan na kunin
ang ikapitong kabayo mula sa kuwadra pero sa pagmamadali niya ay ang ikawalong
kabayo ang nahila niya. Nakita kaagad ng prinsesa ang mali kaya minadali na
niya ang pagtakas. Pero nalaman ng Hari ang kanilang balak at hinabol niya ang
dalawa. Sa pagkakamali ni Don Juan, ang kabayong nakuha ay hindi makatakbo nang
matulin kaya itinapon ni Prinsesa ang karayom niya at ginawang mga pako sa
daanan ng kaniyang amang humahabol. Huminto ang hari ng dalawang araw para lang
malinis ang dadaanan.
Muling humabol ang hari at nang malapit nang maabutan ang prinsesa at si Don Juan, itinapon ni Maria Blanca ang kaniyang sabon na naging bundok ng bula. Hindi makahabol ng hari at mga kawal nito kaya sila ay lumigid sa bundok.
Nang maramdaman ng prinsesa na malapit na naman silang abutan ng humahabol, gumawa siya ng karagatan na siyang nakapahinto sa kaniyang amang humahabol. Benindisyonan niya ang anak at isinumpa na makakalimutan ito ni Don Juan pagdating si Berbania. Sa sama ng loob, namatay ang hari.

Paglukso – pagtalon
Lumigid – umikot
Masusukol – makikilala
Kabanata42 – Ang Paghihiwalay
Nakarating sa Berbanya sina Prinsesa Maria
Blanca at tulad ng sinabi ng Hari, iiwanan ang prinsesa sa labas ng kaharian.
Sinabihan ng prinsesa si Don Juan na huwag magpapalapit sa babae ang prinsipe,
kahit sa ina nito dahil makakalimutan siya ng binata.
Talasalitaan:
Likas – natural
Kamusmusan – kabataan
Tumpak – tama
Ilagak – iwanan
Kapiling – kasama
Kabanata 43 – Kasal ni Don Juan at Prinsesa
Leonora
Pag pasok sa kaharian ni Don Juan ay luamabas
kaagad si Prinsesa Leonora at lumapit sa kaniya. Agad nakalimutan ng prinsipe
ang iniwanang si Prinsesa Maria Blanca. Ipinagtapat
ni Prinsesa Leonora na mahal niya si Don Juan at hindi ang tampalasang si Don
Pedro. Itinakda kaagad ng hari ang kasal nila
kinalingguhan.
Talasalitaan:
Nagdurusa – naghihirap
Kimkim – dala
Pag-iwas – paglayo
Umimik – nagsalita
Naparam – nawala
Kabanata 44 – Pagdalo sa Kasal
Samatala, naghintay si Prinsesa Maria Blanca
ng tatlong araw. Nalaman niya sa balita na pakakasal si Don Juan sa Linggong
darating. Kumuha siya ng isang magarang karosa, nagsuot
siya ng magarang damit at dumalo sa kasal. Inihinto
muna ni Haring Fernando ang kasal para makapagpakita ng sayaw at laro ang
dumating na Emperatris na si Maria Blanca.
Talasalitaan :
Gayak – ayos
Pagsungaw – paglabas
Dadalo – pupunta
Hangad – pinapangarap
Kabanata 45 – Nagtanghal si Donya Maria
Naghandog din si Donya Maria ng isang regalo
para sa magkakasal na kayang magpapasaya sa mga magkakasal. Ang regalo ay isang
prasko na may negrito at negrito na sumasayaw. Nagsasalita din ang mga negrito
at negrita na binigay ni Donya Maria, at sinasabi ng negrito at ng negrita ang mga
pinagdaanan ni Don Juan at Donya Maria, at tuwing natatamaan ang negrito
nasasaktan si Don Juan.
Talasalitaan:
Kalulugdan – kasisiyahan
Humudyat – sumenyas
Umindak – sumayaw
Kasalo – kasama
Kabanata 46 – Ikalawang Pagtatanghal
Sa huli at hindi pa rin maalala ni Don Juan
kung sino si Prinsesa Maria Blanca ay binalak nitong basagin ang malaking bote
sa tinding galit.
Dito naalala ni Don Juan kung sino ang emperatriz at siya ay himingi ng tawad. Hiniling niya sa ama na pakakasalan niya si Prinsesa Maria Blanca st hindi si Prinsesa Leonora.
Dito naalala ni Don Juan kung sino ang emperatriz at siya ay himingi ng tawad. Hiniling niya sa ama na pakakasalan niya si Prinsesa Maria Blanca st hindi si Prinsesa Leonora.
Talasalitaan:
Tumangis – umiyak
Bagabag – problema
Dumalangin – magdasal
Kabanata 47 – Salaysay ni Prinsesa Leonora
Nagpaliwanag si Prinsesa Leonora tungkol sa
pagligtas sa kaniya ng prinsipe at ang pagtangkang pagpatay ng mga kapatid kay
Don Juan nang iniwan ito sa balon. Ang
Haring Fernando ay nagpasiya na ipakasal si Prinsesa Leonora kay Don Juan.
Talasalitaan:
Magsasadya – Magpupunta
Mungkahi – suhestiyon
Hinangad – ginusto
Dinaluhong – sinugod
Kabanata 48 – Hatol ng Mahal na Hari
Si Prinsesa Maria Blanca naman ang nagsalaysay
kung paano niya iniligtas ang buhay ni Don Juan sa kamatayan mula sa
makapangyarihan niyang ama.
Naguluhan ang hari kaya ito ay sumangguni sa Arsobispo na sinabi naman na dapat ay pakasalan ni Don Juan si Prinsesa Leonora dahil ito ang unang nagging katipan.
Nagalit si Prinsesa Maria Blanca kaya itinapon niya ang tubig na nasa malaking bote. Bumaha sa palasyo at natakot ang mga tao.
Nagpasya si Don Juan na siya ay pakakasal kay Prinsesa Maria Blanca.
Sumangguni ulit ang hari sa arsobispo na nagpasyang magkaroon ng dalawang kasalan, sina Don Pedro at Prinsesa Leonora at si Don Juan at Prinsesa Maria Blanca.

Dulot – hatid
Magkaugnay – magkarelasyon
Mapanlinlang – mapanloko
Bumihag – umalipin
Kabanata 49 – Kasal ni Don Juan at Donya Maria
Tinaggihan ni Prinsesa Maria Blanca ang setro at korona ng Berbanya dahil meron din siyang kaharian. Ang setro at korona ay napunta kay Don Pedro at Prinsesa Leonora. Pagkatapos magpaalam ay bumalik na sa kaharian ng de los Cristal si Don Juan at Prinsesa Maria Blanca. Ang mga tao sa kaharian na ginawang hayop at bato ng malupit na hari kaya’t ginawang tao muli ni Maria Blanca ang mga ito. Namatay na rin ang mga kapatid ni Prinsesa Maria Blanca. Kaya silang mag-asawa ang naging bagong emperador at emperatris sa nasasakupan nila.
Talasalitaan:
Mahabag – maawa
Patatagin – palakasin
Nagtagni – nagdugtong
Pagtupad – pagsasagawa
Nagsipanaw - nawala